Diyos
Anak ng Tao
Kung inakala mong “Cristo” ang apelyido ni Jesus o ang titulong ibinigay niya sa kanyang sarili, nagkakamali ka! Ang paglalarawan na pinaka madalas gamitin ni Jesus para sa sarili niya ay ang “Anak ng Tao.” Sa video na ito, malalaman natin ang kahulugan ng kamangha-manghang katagang ito at makikita natin kung paano tayo dadalhin nito sa mas malawak na kuwento ng Biblia. #BibleProject #Biblia #Buo #
Langit at Lupa
Ano talaga ang itinuturo ng Biblia tungkol sa Langit, at ano ang kaugnayan ng Langit sa Lupa? Sa video na ito, tatalakayin natin ang kamangha-manghang pananaw ng Biblia na ang Langit at ang Lupa ay dapat magkasama at ang misyon ni Jesus na ganap na pag-isahin ang mga ito. #bibleproject #Biblia #Buo #
Ang Mesiyas
Sa video na ito tungkol sa Mesiyas, tinalakay namin ang mahiwagang pangako sa unang mga pahina ng Biblia na isang araw, dadating ang tagapagligtas na tatalo sa kasamaan at magliligtas sa lahat ng tao sa mundo. Pag-aaralan natin ang temang ito sa pamilya ni Abraham, sa angkan ni David kung saan nagmula ang Mesiyas, at sa huli ay kay Jesus na tumalo sa kasamaan nang hayaan Niyang talunin Siya nito. #BibleProject #Biblia #Buo #
Buong-ideya: 1-2 Mga Cronica
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng 1–2 Mga Cronica. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Sa aklat ng Mga Cronica inuulit ang kwento ng Lumang Tipan, at binibigyang-diin ang pag-asa sa dadating na Mesias na Hari na magtatayo muli sa templo. #BibleProject #Biblia #Buo #Mga Cronica
Buong-ideya: Ezra-Nehemias
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng Ezra at Nehemias. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Sa Ezra at Nehemias makikita ang pagbalik ng mga Israelita sa Jerusalem pagkatapos mabihag ng ibang bansa, mababasa dito ang mga kwento ng tagumpay kasabay ng espirituwal at moral na mga pagkabigo. #BibleProject #Biblia #Buo #Ezra-Nehemias
Buong-ideya: Daniel
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng Daniel. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Ang aklat ni Daniel ay nag-uudyok sa mga binihag sa Babilonya na manatiling tapat. Ang kaniyang mga pangitain ang nagbibigay ng pag-asa na maghahari ang Diyos sa lahat ng bansa. #BibleProject #Biblia #Buo #Daniel
Buong-ideya: Esther
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng Esther. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Sa Esther makikita ang kwento kung paano ginamit ng Diyos ang isang bihag na Israelita para iligtas ang Kaniyang bayan sa pagkawasak, kahit hindi direktang binanggit sa kwento ang Diyos at Kaniyang pagkilos. #BibleProject #Biblia #Buo #Esther
Buong-ideya: Mga Panaghoy
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng Mga Panaghoy. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Ang aklat ng Mga Panaghoy ay limang tula ng pagluluksa na pinagsama-sama at inalay sa Jerusalem pagkatapos itong wasakin ng Babilonya. #BibleProject #Biblia #Buo #MgaPanaghoy
Buong-ideya: Mangangaral
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng Mangangaral. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Tinutulungan tayo ng aklat ng Mangangaral kung paano harapin ang kamatayan, ang mga bagay na hindi natin kayang kontrolin, at mga hamon sa simpleng paniniwala sa kabutihan ng Diyos. #BibleProject #Biblia #Buo #Mangangaral
Buong-ideya: Ruth
Panoorin ang aming video tungkol sa buong-ideya ng Ruth. Makikita dito ang disenyo at daloy ng kaisipan sa aklat. Sa aklat ng Ruth makikita kung paano hinarap ng isang pamilya sa Israel ang trahedya at paano ginamit ng Diyos ang katapatan ng isang babaeng hindi taga-Israel para muling ibangon ang pamilya ni David. #BibleProject #Biblia #Buo #Ruth